A moment of hugot para kay
Microsoft Paint…

Damang dama kita bes…
Yung lagi ka namang andiyan pero ka hindi pinapansin,
Andiyan lang sa sulok naghihintay ng PrintScreen…

Yung pakiramdam ng pinaglipasan na ng panahon…
Ganun yata talaga kapag tumatanda na…
Kapag nagsawa na;
Pinapalitan na ng mas bata…
Di ka man lang kasi ngmakeover
at kumuha ng bagong inter-face lift!

Sabi I need space,
Pinayagan mong tumambay sa photoshop!
Andami tuloy nakilala… ang saklap!
Ayan! Nasingitan ka tuloy ng mga easy-to-get!
Yang si Picasa, Piccolage at mga built-in photo edit!
isama mo pa ang mga malalandi…
Si Filter, Sticker at Emoji!
I can only imagine the hurt
nung nahuli mo siya sa Lightroom..

Tanggapin na natin bes…
Iba talaga ang Spark ni Adobe…
At iba rin ang dating ni Canva…
Minsan, maganda ang simple,
pero pag kinulang sa Curve tool-
kapalit-palit talaga…

Masakit talaga bes…
Na hindi niya na maalala lahat ng memes na pinaghirapan mo… lahat ng blanko na kinulayan mo! lahat ng larawang pinaganda mo!

Masakit din talaga ang ma-traydor,
ng mga so-called friends mo na si Illustrator at Vector…
Pero ikaw bes ang Original Mother-of-All Art apps!

Wag ka ng umasang babalikan ka pa niya!
Since 1985 to 2017 naghintay ka!
32 years is sobrang haba na!
Tama na… Umalis ka na diyan sa sulok mo!
Tama na yang linya mong “Ako na lang… ako na lang ulit…”
Ayaw niya na sa ‘yo!
Wag kang makulit!

Time for a change bes!
Goodbye ka na sa pagiging mainstay sa Windows OS
At kung anuman ang maging decision mo…
You will always be my trusty old drawing app…
Maging Paint 3D ka man…

#RIPmicrosoftPaint

Advertisements