image

At natapos na nga ang highlight ng Panagbenga 2016. Kamusta naman ang mga iBaguio?
Sa gitna ng StreetDancing at Float Parade alin ka sa mga ito?

Ang “At-The-Moment” iBaguio
I came, I saw, I conquered ang peg! ready na bago pa man ang parada. shoot pa more, post pa more! The brave ones na may immunity sa lubid. Front row seats sa competition. Sila yung may photos ng float bago pa man malanta.
FB Post:
#ATM

Ang “Panagbenga” iBaguio
Ang mga naglakad ng walang tsinelas, tumugtog habang nglalakad at hinihila ng teacher nila ang mga instruments nila, sumayaw ng nkangiti kahit ang init init na at lusaw na ang make up. Ang mga magulang ng mga nagParade na tgabuhat ng tubig at tgavideo ng performance
FB Post:
#ProudMama

Ang “Tumakas” iBaguio
Sinamantala ang long weekend and went swimming, hiking or running. Mas malayo sa traffic, mas masaya.
FB Post:
#BackpackerAdventures

The “Stay-at-Home” iBaguio
Kumportableng nanonood ng live coverage at nakikiindak din sa theme song ng Panagbenga at tuwang tuwa sa kakabilang ng bloopers ng mga reporters sa TV!
FB Post:
#Livefeed

The “Walk-a-Thon” iBaguio
Ang mga napasubong samahan ang girlfriend o nautusang bantayan si bunso o samahan ang mga bisita na gustong manood ng parade! Lakas ng loob na nakipagsapalaran sa mabigat na traffic at naglakad pauwi! Eksena: Caught in human traffic: 1 hour. Napaaway sa pagkuha ng taxi, inunahan, inagawan at ilang beses nareject ng taxi driver: 1 hour. Pumila ng to infinity & beyond sa pila ng jeep: 1 hour. Naglakad na lang pauwi: 1 hour.
FB Post:
#TheStruggleIsReal

The “Beast Mode” iBaguio
Gusto mo lang naman manood ng parade at makisaya. Prepared ka pa nga. Camera, rubbershoes, payong at latag! Pero napaaway ka! Sinigawan ka ng mga nasa likod mo dahil sa payong mo. Inakala mong may stampede tinutulak ka lang pala ng mga walang modong gustong sumingit sa puwesto mo. May mga naglatag at nagpicnic sa sidewalk at ilalim ng gumamela at may nasalubong kang sumisigaw ng keep right eh nasa maling lane siya! Kaliwete si ate. At siyempre pa, ang mga stall owners sa Burnham na saksakan ng sungit!
FB Post:
#DearBaguioVisitors

The “Heart Broken” iBaguio
Ang mga umikot sa Session papuntang Burnham at napailing sa sobrang dami ng tao at basura. At ang damo na pinalago ng isang buong taon naging alikabok na! Putik pa nga katapos ng ulan. Pinanood ang mga jaywalkers at mga sumusulpot na “no entry” signs. Naawa sa mga bisitang natulog na lang sa park at sa mga nakaparada nilang mga sasakyan kse fully booked na ang mga hotels & transient houses. Nainis at may mga local shops na hindi nkabenta pero ang naglalakihang mall pinipilahan pa!
FB Post:
#TheFeels

The “Behind-The-Scenes” iBaguio
Mga pulis, medic, info centers, traffic assistance, si manang tagawalis at manong lubid. At higit sa lahat mga concerned citizens trying to do their part by giving friendly reminders na “no smoking po dito sa Baguio” may dalang walis at malaking trashbag and inspiring visitors to keep Baguio clean.
FB Post: none

Advertisements