Dear Baguio Visitors,

Here are a few reminders bago kayo mag turista-mode on…

1. Smoke free city po kami. I will not hesitate na mag citizen’s arrest kapag nanigarilyo ka sa sidewalk o sa park. Di ka exempted kahit naka-Baguio City bonnet ka. At lalong hindi smoking area ang harap ng resto na kinainan mo. Wag kang pasaway please!
2. Tataas ang kilay namin kapag naka-shorts ka pero naka-bubble jacket with a fur, sabay bitiw ng “Brrr! Ang ginaw!” Unless siyempre, hindi tinatablan ng lamig ang kuyukot mo.
3. From Manang Ukay: If you say “Ay mas mura sa Greenhills?!” – “Doon ka na lang sana di ka pa nkadagdag sa traffic! Signature ‘to teh, not replica!”
4. From Manong cab driver: “Walang mega-taxi dito! 5 passengers including driver lang po. Wag mong ibalibag ang pinto dahil lang di ko kayo sinakay na pito!”
5. Sa mga turistang nagdala ng sariling sasakyan: “Nag bus ka na lang sana kung di mo kaya mag-Drive dito sa Baguio. Umaamoy na clutch mo!”
6. Sa mga non-local drivers: walang kaskasero at road rage dito sa Baguio, hinay hinay sa busina.. We observe road courtesy; yield pag may time smile all the time! Bakasyon pinunta mo dito.
7. Learn the Art of Pagbabasura: ibulsa mo candy wrappers and receipts, yung mga take out basura mo hawakan mo gang makakita ka ng basurahan. At please lang – sa loob po ng basurahan nilalagay ang basura hindi sa tabi, hindi sa harap o likod at lalong hindi artistic kapag hinayaan mong umapaw! At lalong bawal ang magtapon ng basura from a moving vehicle! Hindi po basurahan ang Baguio.
8. Siyudad kami hindi lalawigan! Stop talking to us in a very slow pace na parang hindi ka namin naiintindihan! Nakakairita sobra! We don’t nosebleed sa English teh – you laway with English! Wag kang OA!
9. Please wag niyo kami tanungin ng pabulong kung saan nakakabili ng murang “weeds” – hindi pa po legal ang marijuana sa Pilipinas – FYI!
10. Wag maghanap ng Igorot na parang naghanap lang ng strawberry or tourist spot. Nakaka-Offend! Kalimutan na ang #s1-9 wag lang ang #10!

The bottomline dear visitors; respect! We try our best to keep our city clean and green… sana kayo din. The city is friendly and laid back and you’re here to experience our culture – not us wanting to experience yours. We want you to have a great Baguio time and to discover the city beyond the post cards that you see. Before doing anything out of habit, try asking if it’s acceptable- we’re here to accommodate visitors but not your rudeness.

Finally, Baguio po ito. Wag i-assume na walking distance ang Sagada at Mt.Pulag. 🙂 at di rin puwede sa Grab!

Advertisements